9.06.2007

vessel

I never got to write anything like this... ever again.

STD
by Cara

Ate, ano ba ang estidi? Sabi ng duktor sa akin, me estidi raw ako. Ano yun? Sakit ba yun? San ko nakuha iyon? Si ate naman… bat ayaw mo ko sagutin?

Oi, ate… magpa-payb yirs old nako! Yehey! Pa-parti ka naman para saken. Kahit dun nalang sa me mga ataol ng pamilya Rodriguez… Kasi yun pinakamalinis na lugar sa simenteryo. Di pa tayo kagagalitan ng mga sepulturero kasi malayo tambayan nila. Pede tayong mag-ingay. Yehey! Sayaw tayo. Tapos bili ka nung mabangong brawn na gawgaw na nasa plastik. Yung sinisinghot ninyo ni kuya Pepot. Bango nun e! Minsan, nung gutom na gutom ako at pinaamoy niyo yun sakin, nawala sakit tiyan ko. Sige na, ate… Ate… bat ba ayaw mo kong kausapin?
Hay. E di wag.

Kakabagot naman dito sa simenteryo. Gutom pa ko. Wala makain. Ay… Nasan na kaya si mamang taksi drayber. Ate, alam mo ba ginawa niya sa akin nung isang araw, mga ilang buwan na yung dumaan. Namamalimos kasi ko nun e nang natapat ako sa taksi niya. Pinapasok niya ko. Sabi niya, bigyan daw niya ko masarap na pagkain. Sakay ako kasi, e kasi, gutom na ko e. Dinala ko sa may eskinita. Yakap, yapos niya ko… yung parang ginagawa satin ni Nay bago tayo tulog nung buhay pa sya. Pero ewan ko kumbakit… natakot ko sa kanya. Tumaas balahibo ko sa katawan. Sabi niya masahe… masahe raw. Mukha raw kasi pagod katawan ko. Kanta pa siya, ate. Ambaba boses niya… parang halimaw … pero malambot yapos niya sakin kaya medyo di ko natakot. Hinubaran nya ko. Dahan dahan. Nakakakiliti ang pagdaan ng kamay niya sa katawan ko. Napangiti nga ko e. Umatras siya konti. Ngumiti siya. Ganda ko raw, ate! Para daw kong anghel na napakakinis ng balat. Lumuhod siya… tangkad kasi ni mamang taksi drayber. Tapos hinalikan niya ko sa noo. Nangilabot ulit ako, pero okey lang. Tapos, halik naman siya sa labi ko. Gaspang ng balbas niya, makati sa mukha. Sinubukan ko kamutin pero binaba niya kamay ko.
Tapos ate… tapos… hinawakan niya pekpek ko. Di ko lam gagawin ko. May mga taong dumadaan pero di nila ko makita kasi madilim e. Tawa siya. Tapos tayo nanaman siya. Tinanggal niya yung… yung bagay na pinapamalo satin ni Tay, yung nakaikot sa bewang ng pantalon. Ano nga ba yun? Tapos, ate, binaba niya pantalon niya. Kasama brip niya. Tapos me nilabas siyang bagay. Ano ba yun ate? Di ba may ganun si kuya? Nakita ko nilalaro niya yun minsan. Ay, ate, tapos pala, tapos nilapit niya ko sa katawan niya. Lumuhod siya ulet. Tapos, pinasok niya yung bagay na yun sa pekpek ko. Ansakit, ate. Umiyak nga ko e. Pero di niya tinigil. Ewan ko kung gano katagal na nakapasok yun. Basta… antagal, 'te. Nanghina nga ko e.
Tapos pala nun, dinamitan niya na ko. Bihis rin siya. Tapos, 'te… binigyan nya ko singkwenta pesos! Ambait niya talaga! Ansaya ko nun 'te! Alala mo ba yung nabili kong kanin at isang bangus para satin nina kuya? Dun galing yung pera! Bigay saken ni mamang taxi drayber. Sarap nung kain natin nun no! San na kaya siya?

Wag ka nang malungkot, ate. Hahanap ulit ko pera para satin. O… bat ka umiiyak? Wala namang tele nobela sa kwento ko, a? baka naman gutom ka. Wag ka alala ate! Uy… ayan na si mamang taksi drayber… ate! Tahan na! Makakakuha ulit ko pera! Mamaya, siguradong bangus at kanin nanaman ulam natin! Sige… punta na ko ke mamang taksi drayber… balik ko kagad… dala ko na pera!

###############
Author's Note: This story was inspired by an episode of GMA 7's I-wintess reported by Kara David entitled Laruan. The message of this story is that in the eyes of a child, what we define as prostitution is a mere game.

This article was posted on
peyups.com on Thursday, October 17, 2002. Read reader comments here.